Biyernes, Hulyo 8, 2011

eto na

nagdaan pa ang mga araw balak ko na sana ligawan si WENDY kaso may nakakatuwang pangyayari.Sa bahay namin kasama ko ang kaibigan kung si RODEN at habang naglalakad kami ay meron siyang ibinida sa akin na numero sa cellphone nya at sabay sabing "pre tignan mo..katext ko si JANELLE oh" habang nakangiti ang gamol..sabi ko naman sinong JANELLE? ang nagmamaang maangan kung tanong.Si JANELLE yung kapatid nung WENDY balik naman niyang sagot sa akin.So ang ginawa ko hiningi ko na din yung number para wala lang..masabi lang na meron akong number niya.Lumipas ang ilang pang araw at naisipan ko itext si JANELLE hindi ko na matandaan kung anu yung itinext ko sa kanya pero malamang mga sweet quotes, mga pahagip ligaw etc. at alam ko na dahil sa mga text ko na iyon dun kami nagsimulang maging magkaibigan.Mabait naman pala siya kapag naging close na at very sweet pa.simula ng naging close kami lahat ng gusto ko ay alam na nya, mga gusto kung pagkain, klase ng kanta at mga klase ng damit at shempre pina-adopt ko din sa kanya yung mga gusto ko para terno kami, kasi naman ang "MANANG" din nya kung manamit e..mga gusto na kanta westlife, nsyn'c, boyzone, bsb in short boyband.Lahat ng ito ay nangyari lamang sa loob ng isang buwan simula ng una kaming magkita noong MAY 4, 2003.

estimation

Sa mga sumunod na araw, palagian na kaming naglalaro doon dahil bukod sa mura at maganda na yung lugar, magaganda pa ang tagapag-bantay.Magkakamag-anak kasi ang mga tagapag-bantay ng computer shop na iyon at isa na doon ay nagngangalang WENDY.Si WENDY ang una ko nakilala kasi siya ang pinakamabait sa tatlong nagbabantay doon.Ipinakilala siya ng kaibigan kung si RODEN habang naglalaro kami parang ganito "guys lingon kayo sa likod..ito nga pala si WENDY" at ngumiti lang kami sa kanya at ganun din naman siya.SI WENDY ang nagbabantay sa bar ng shop.Maaari ka kasing bumili ng mga sandwich pag nagugutom ka na sa kakalaro.Lumipas ang mga araw at naging malapit ako sa kanya kasi nga mahinahon siyang kausap kaso ang problema nga lang sa kanya ay medyo may pagkabaduy kung manamit..in short "MANANG".Pero shempre ok lang naman yon kasi kaibigan lang naman e.Shanga pala nakababatang kapatid sha nung babaeng nagtaas sakin ng boses at ang pangalan naman ay JANELLE.Si WENDY ay morena type at maganda ang height, sa tingin ko ay nasa 5'6 sha at ang ate naman nya ay maputi, chinita at mga 5'5 naman ang taas hindi na masama anoh? Hahaah

counter strike

Lahat ng ito ay nagsimula noong MAY 4, 2003 araw ng linggo.Katatapos ko lang magsimba kasama ang aking pamilya... at tulad ng nakagawian mauuna silang umuwi dahil ako ay magpapaiwan pa upang maglaro ng COUNTER-STRIKE kasama ang mga kaibigan ko.Kami talaga ay naglalaro sa may likod ng 711 sa may bayan ng Sta.Rosa ngunit ng araw na iyon ang aking kaibigan ay may iminungkahi na bagong mapaglalaruan, dahil sa kabubukas pa lamang ng computer shop na iyon ay mas mura ang singil kaya sinubukan namin.Dali-dali kaming nagpunta doon upang makapwesto agad at shempre hindi kami nabigo.Dahil sa kabubukas pa lamang...shempre wala pang tao at infairness sa shop na iyon ay talaga naman maganda at maaliwalas ang loob, dali-dali kaming nagsipag pwestuhan upang magsimula na at sa araw din yon ay makikilala ko pala ang babaeng mamahalin ko.Lumapit ang isang babae na nagbabantay doon upang kami ay asistihan.Well sa unang tingin ay hindi ko siya pinansin dahil sa wala naman doon ang focus ko..at dahil sa atat na atat na kaming mag counter-strike kung kaya naman agad kung inilagay sa aking ulo ang headset maski nd pa nag-iistart up ang pc.Maya maya pay biglang may nagtaas ng boses sa aking tabihan, yun pala ay kanina pa pala daw sha nagtatanong sa akin kung ilang oras daw ba kami maglalaro at doon ko nasilayan ang buo nyang mukha..sa isip-isip ko ay "huh maganda sana kaso mataray ang luka-luka" nd agad maganda ang approach sa akin..hmmp! hindi kita bati sa isip-isip ko at natapos ang aming laro na masaya ang lahat..dali-dali kaming lumabas at doon ay nagkwentuhan pa kung sino ang pinakamagaling