Sa mga sumunod na araw, palagian na kaming naglalaro doon dahil bukod sa mura at maganda na yung lugar, magaganda pa ang tagapag-bantay.Magkakamag-anak kasi ang mga tagapag-bantay ng computer shop na iyon at isa na doon ay nagngangalang WENDY.Si WENDY ang una ko nakilala kasi siya ang pinakamabait sa tatlong nagbabantay doon.Ipinakilala siya ng kaibigan kung si RODEN habang naglalaro kami parang ganito "guys lingon kayo sa likod..ito nga pala si WENDY" at ngumiti lang kami sa kanya at ganun din naman siya.SI WENDY ang nagbabantay sa bar ng shop.Maaari ka kasing bumili ng mga sandwich pag nagugutom ka na sa kakalaro.Lumipas ang mga araw at naging malapit ako sa kanya kasi nga mahinahon siyang kausap kaso ang problema nga lang sa kanya ay medyo may pagkabaduy kung manamit..in short "MANANG".Pero shempre ok lang naman yon kasi kaibigan lang naman e.Shanga pala nakababatang kapatid sha nung babaeng nagtaas sakin ng boses at ang pangalan naman ay JANELLE.Si WENDY ay morena type at maganda ang height, sa tingin ko ay nasa 5'6 sha at ang ate naman nya ay maputi, chinita at mga 5'5 naman ang taas hindi na masama anoh? Hahaah
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento