Lahat ng ito ay nagsimula noong MAY 4, 2003 araw ng linggo.Katatapos ko lang magsimba kasama ang aking pamilya... at tulad ng nakagawian mauuna silang umuwi dahil ako ay magpapaiwan pa upang maglaro ng COUNTER-STRIKE kasama ang mga kaibigan ko.Kami talaga ay naglalaro sa may likod ng 711 sa may bayan ng Sta.Rosa ngunit ng araw na iyon ang aking kaibigan ay may iminungkahi na bagong mapaglalaruan, dahil sa kabubukas pa lamang ng computer shop na iyon ay mas mura ang singil kaya sinubukan namin.Dali-dali kaming nagpunta doon upang makapwesto agad at shempre hindi kami nabigo.Dahil sa kabubukas pa lamang...shempre wala pang tao at infairness sa shop na iyon ay talaga naman maganda at maaliwalas ang loob, dali-dali kaming nagsipag pwestuhan upang magsimula na at sa araw din yon ay makikilala ko pala ang babaeng mamahalin ko.Lumapit ang isang babae na nagbabantay doon upang kami ay asistihan.Well sa unang tingin ay hindi ko siya pinansin dahil sa wala naman doon ang focus ko..at dahil sa atat na atat na kaming mag counter-strike kung kaya naman agad kung inilagay sa aking ulo ang headset maski nd pa nag-iistart up ang pc.Maya maya pay biglang may nagtaas ng boses sa aking tabihan, yun pala ay kanina pa pala daw sha nagtatanong sa akin kung ilang oras daw ba kami maglalaro at doon ko nasilayan ang buo nyang mukha..sa isip-isip ko ay "huh maganda sana kaso mataray ang luka-luka" nd agad maganda ang approach sa akin..hmmp! hindi kita bati sa isip-isip ko at natapos ang aming laro na masaya ang lahat..dali-dali kaming lumabas at doon ay nagkwentuhan pa kung sino ang pinakamagaling
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento